Oh men, all we have to do is maging totoo lang sa ating sarili. As long as may takot sa Diyos. As long as tayo'y disciplined. As long as tayo'y responsible. Wala kang dapat ikatakot.
Sa totoo lang ang pagiging bading as hindi reason para tayo'y maging weak. Ang salitang WEAK ay wala sa vocabolary ng mga bading.
Ang isang Bading o Gay or BI, madiskarte and strong! Ngunit may mga gay na takot lumabas sa totoo nilang pagkatao. Takot na baka hindi matanggap ng kanila family nila - like me. Bilang isang Gay in our family, para sa akin ay dapat may matunayan kasi nga sabi ng matatanda ang bading ay salot.
Pero since takot nga ako, nagpapakatotoo nalang ako sa kilos ko, sa voice ko, sa pananamit ko, ngunit hindi napapagusapan sa aming bahay kung ano nga ba talaga ako. Wala akong kailangang baguhin especially my looks. Para kasi sa akin ang isang pagiging bading ay responsibility; responsibility na mahirap na mahirap ngunit masaya.
Marami nga dyan like Ben Chan, Ricky Reyes, Joel Cruz, Arnel Ignacio, Vice Ganda na nagsumikap, at payaman nang payaman pa! O diba? Since modern na ngayon, siguro naman kasabay ng ating modernisasyon ang paglipas at paglimut sa mga kasabihang - "Ang Bading ay Salot".
Haler! baguhin na natin yung mga ugaling sinauna pa. Maging praktikal na tayo. Maging open-minded na tayo at aminin nating mas maraming bading ang asensado. At sa pagkakataon na ito, hindi totoo ang mga kasabihang wala naman talagang sapat na pruweba.
Photo: Wikipedia |
0 Comments